PRODUCTIONS

Walang dudang ang Tanghalang Anluwage, Inc. ay tunay na naniniwala sa mahalagang tungkuling ginagampanan ng pamilya sa pagbuo ng Simbahan at ng lipunan at ito ay masasalamin sa halos lahat ng proyekto nito.


ISANG DOSENA, ANG SIMULA
October 6,1991 - Saint Joseph de Gagalangin Parish Ultreya Hall

Nagpakitang-gilas ang unang labindalawang artistang ipinagmamalaki ng Tanghalang Anluwage (TA) sa pamamagitan ng mga excerpts na hinango mula sa mga klasikong dula: "Sino Ba kayo," "Sinag Sa Karimlan," "Paraisong Parisukat," at "Bongbong at Kris." Pinatatag ng proyektong ito ang kredibilidad ng samahan bilang natatanging youth organization ng Parokya ng Saint Joseph de Gagalangin.

INA NG MANAOAG
October 1993

Kaagad din pinanganak ang isa pang unit ng TA, ang Anluwage TV, na siyang namahala sa blow by blow coverage ng kauna-unahang pagdalaw ng Mahal na Birhen ng Manaoag sa Gagalangin, mula Pangasinan hanggang Tundo.

TRENTA'Y OTSO
October 28, 1991 - Saint Joseph de Gagalangin Parish Ultreya Hall

Ilang araw lamang matapos ang matagumpay na Isang Dosena, Ang Simula, inatasan ng Saint Joseph de Gagalangin Parish Pastoral Council ang grupo upang i-produce ang 38th birthday celebration ng Parish Priest na si Rev. Fr. Mario Enriquez. Nasubok ang galing ng TA sa program conceptualization hanggang execution. Isang bonggang musical show tampok ang lahat ng mga organizations ng Parish ang nagpaningnning sa gabing iyon and it was capped by a video tribute led by actor-comedian-host Vic Sotto and His Eminence Jaime Cardinal Sin.

ANG PANUNULUYAN
December 24, 1991, 1992 & 1993 - Streets of Gagalangin

Isang musical at makabagong pagsasadula ng hirap at dalamhating dinanas nina San Jose at ng Mahal na Birhen sa paghahanap ng matutuluyan noong Unang Pasko. Ito ay idinaos sa mga lansangan ng Gagalangin.

PPCRV VOTERS EDUCATION CAMPAIGN
January to May 1992

Hinamon ng Simbahan ang kinang ng Ta sa strategic planning sa pamamagitan ng Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV Voters Education campaign. Mahusay at masinop na naibalangkas ng grupo ang mga activities at projects ng PPCRV Gagalangin upang gisingin ang mamamayan ukol sa tamang pagboto ng mga lider ng bansa. Tampok dito ang isang malaking prayer rally sa Plaza Balagtas na dinaluhan ng libu-libong parishioners, lay leaders at mga pari. Ito ay isinahimpapawid ng ABS-CBN sa "The Inside Story" ni Loren Legarda.



BATANG PRO AT WANTED:ISANG TSAPERON
October 25- 29, 1992, Saint Joseph de Gagalangin Parish Center Multi-Purpose Hall

Unang anibersayong pagtatanghal ng TA tampok ang mga bagong artista ng grupo sariwa mula sa matinding workshop na itinaguyod mismo ng TA. Dalawang dula mula sa dalawa sa pinakamatitinding playwright ng bansa, sina Bienvenido Noriega, Jr at ang Artista ng Bayan Wilfirdo Ma. Guerrero. Ang Batang Pro ay tumatalakay sa mapait na buhay ng 3 kabataan na hinamon ng kapalaran sa lansangan. Samantala, ang Wanted naman ay masayang paglalarawan ng buhay pamilya noong unang panahon.

BATHALA
November 1992 , Saint Joseph de Gagalangin Main Altar

Isinayaw ng grupo ang panawagan nito upang ingatan ang kalikasan sa saliw ng awit ni Joey Ayala at nagsilbing malaking opening production number ng "Likha", ang songwriting competition ng Parokya.

PANALANGIN NG BAYAN ATBPA
March 9-19, 2003, Saint Joseph de Gagalangin Parish

Ilang piling kasapi ng TA ang sumailalim sa pagsasanay ng Catechectical Office sa pagsulat ng Panalangin ng Bayan na ginagamit sa Banal na Misa para sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Patron.


ANG DAAN NG KRUS
April 1993, Streets of Gagalangin

Pangalawang pagkakataong gumamit ang TA ng street theater. Una ay sa "Ang Panunuluyan" at sumunod nga itong "Ang Daan ng Krus." Binigyan ng dula ng kakaibang anggulo ang pagdarasal at pagninilay ng Stations of the Cross.

ANG BIHILYA
Easter 1993 & 1994, Saint Joseph de Gagalangin Parish Main Altar

Sa saliw ng sari-saring galaw ng katawan at kumpas ng mga kamay at madamdaming mga musika, nabigyan ng TA ng kakaibang buhay at dimensiyon ang mga mahahabang pagbasa mula sa Lumang Tipan para sa pagdiriwang ng Easter Vigil Rites.

ANLUWAGE BOYS CHOIR
March - June 1993

Buhay at kulay naman ang inialay ng TA sa mga Misa sa umaga sa mga ordinaryong araw ng linggo sa pamamagitan ng pagpapadala nito sa mga piling kalalakihang miyembro nito upang magsilbi bilang koro.


BAGYO SA PATIO
May 1993 Saint Joseph de Gagalangin Parish Patio

Apat na gabing nagpaulan ng saya ang TA para sa Pistang Bayan ng Gagalangin sa pamamagitann ng sari-saring mga pakulo mula sa band concert, singing contest, dance contest hanggang sa Disco Sa Patio. Ito ay corporate-sponsored.


BUHAY, ISANG EKSIBIT
June 20, 1993, Saint Joseph de Gagalangin Parish Patio

Isa sa mga Pro-Life campaigns ng grupo kung saan nalantad ang mga nakaririmarim na larawan ng pagkitil sa mga sanggol sa sinapupunan. Ang TA markadong kontra-aborsyon.


SILENT SCREAM
July 25, 1993, Saint Joseph de Gagalangin Main Altar

Naging maigting ang panawagan ng TA upang irespeto ng pamahalaan ang kasagraduhan ng buhay kaya isang natatanging screening ng pelikulang "Silent Scream" ang tinulungang itaguyod ng grupo dahil ipinakikita rito ang taghoy ng mga sanggol na hindi nabigyang pagkakataon upang maisilang dahil sa aborsiyon.


BUHAY! PARADE
July 26, 1993, Streets of Gagalangin

Sa pakikipagtulungan ng Family Life Ministry ng Parokya, higit pang pinatindi ng TA ang kampanya nito laban sa aborsyon at artifical family planning method sa pamamagitan ng isang motorcade at noise barrage na umikot sa buong Gagalangin upang pukawin ang kamalayan ng mga parishioners sa kasagraduhan ng buhay na handog ng Panginoon. Ito ay naging madamdamin sa tulong ng malakas na ulan.

INANG WALANG ANAK
July 26, 1993, Espiritu Santo Parish

Hindi nagpaawat ang TA sa paninindigan nito para sa kahalagahan ng buhay kaya't hanggang sa Espiritu Santo Parish ay dinala nito ang "Inang Walang Anak." Dulang may iisang yugto,na sinulat ng TA. Kuwento ng isang inang minumulto ng kanyang nakaraan. Ito ay itinanghal para sa mga parishioners ng iba't ibang parokya sa ilalim ng Vicariate of the Holy Spirit.

MARIA, INA NG BUHAY
September 8, 1993, Saint Joseph de Gagalangin Parish Main Altar

Isang gabi ng mga awit at pananalangin alay sa kaarawan ng Ina ng Buhay, ang Mahal na Birheng Maria. Ang konsepto ay binalangkas ng TA at ginabayang itaguyod ng noo'y mga pamosong Deacons na sina Rev. Edwin Bravo at Rev. Ariel Lustan, sa pakikipagtulungan ng San Jose de Gagalangin Parish Music Ministry.

MARIAN FESTIVAL
October 1993 Saint Joseph de Gagalangin Parish

Kabahagi ang TA sa pagbuo at pamamahala ng mga activities and projects para sa pagdiriwang ng Buwan ng Santo Rosaryo na kinatatampukan ng Area Masses, Marian Singing Contest sa mga baranggays, poster making contest, ang maningning na Marian Exhibit. Ito ay winakasan ng isang masayang musical show, maringal na prusisyon at Misa.

PASKO SA PATIO '93
December 16 1993 - January 6, 1994

Sinagot ng TA ang hamon ng noo'y Kura-Paroko na si Rev. Fr. Bong Guerrero na bigyan ng kakaibang Pasko ambiance ang patio ng simbahan ng Gagalangin. Sa pamamagitan ng research machineries at ng mga visual artists ng grupo, isang maningning na patio ang nagdagdag ng saya ng Pasko sa puso ng mga taga-Gagalangin, tampok ang higanteng art work ng paglalakbay nina San Jose, Mahal na Birhen at ng sanggol na si Jesus na masinsing binuo sa pamamagitan ng mga maliliit at makukulay na mga ilaw.

SWERTE MO, SWERTE KO RAFFLE PROMO
April-October 1994

Ang matagumpay na fund raising campaign ng Saint Joseph de Gagalangin Parish Pastoral Council na nagpatibay sa kredibilidad ng TA bilang isang mahusay na campaign & promotion strategist.




THE WORLD YOUTH DAY 1995
January 1995

Matinding suporta ang ipinagkaloob ng TA sa pamunuan ng Parish Youth Council sa paghahanda para sa pagtitipon na ito ng mga kabataan ng buong mundo at sa pagdalaw ni Pope John Paul II sa Pilipinas. Mula sa pag-o-organize ng mga pre-activities hanggang sa marshalling ay naging epektibo ang grupo.

SA NGALAN NG AMA

Isang dulang espesyal sa puso ng mga Anluwage sapagkat ito ay tumatalakay sa mga isyu ng pamilya, na labis pinahahalagahan ng TA.


PITONG HAPIS, PITONG TUWA Ang Dula ng Buhay ni San Jose
March 18, 1997, Saint Joseph de Gagalangin Main Altar
March 16 & 17, 1998, St. Joseph School Elementary Auditorium

Ang natatanging musical play na tumatalakay sa buhay ni San Jose. Sinaliksik at isinulat ni Pietro S. Albano at nilapatan ng musika nina Arthur B. Reyes at Vladimir V. Reyes, mga pawang miyembro ng TA.


AWIT-PATIMPALAK NI KONSEHAL JHUN CONCEPCION
May 12, 1997, Pampanga St.

Sa tulong ni Konsehal Concepcion, isang masaya at hindi ordinaryong amateur singing contest ang nai-produced ng TA para sa pagdiriwang ng Pistang Bayan ng Gagalangin.

SINA IKING AT HULE SA KASALAN SA LIKOD NG SIMBAHAN
December 29 & 30, 1997 St. Joseph School Elementary Auditorium


Dalawang dulang kapwa nagpapalutang sa family values ng mga Pilipino. Tatak TA. Ang una ay istorya ng isang mag-asawa na nasa dapit-hapon na ng kanilang buhay na naghahanap ng kalinga at atensiyon ng kanilang mga anak. Ang Kasalan naman ay ang masayang kuwento ni Mang Ponso na muling nakatagpo sa kanyang first love at nais ng pakasalan ito gaya ng kanyng pangako noon subalit pilit naman kinokontra ng kanyang mga anak.



THE SEARCH FOR MS. CRUSH NG BAYAN
May 1998, 1999, 2000 & 2001

Binago ng TA ang mukha ng Fiesta ng Gagalangin. Mula 1998, taun-taon nang inaabangan ang natatanging Teenage Beauty Pageant na ito ng Gagalangin dahil sa maningning at masayang coronation night nito tuwing bisperas ng Pistang Bayan. Ang tagline nito: 10 Adorable Ladies In 1 Glorious Fiesta Event!


HARANA KAY MARIA
September 8, 1998

Mga piling kundiman at mga bagong Marian songs ang iniregalo ng TA sa kaarawan ng Mahal na Birhen sa isang konsiyerto na pinangunahan ng San Jose de Gagalangin Parish Ensemble.

ANG KUWENTO NI JOSENG KARPINTERO
March 1999, Saint Joseph de Gagalangin Rollo Room

Isang intimate storytelling session tungkol sa buhay ni San Jose ang in-organize ng TA para sa mga chikiting ng Gagalangin sa pamamahala ni Kuya Bodgie Pascue ng Batibot fame, na nilangkapan ng mga makukulay na visual presentation. Sa pagtataguyod ng National Bookstore at Jollibee.

TRESE
April 1999, St. Joseph School Elementary Auditorium

Pinagsama-samang muli ng TA ang mga talento ng iba'tibang organizations sa Parokya sa isang gabi ng awitan, sayawan at mga video tributes upang ipagdiwang ang 13th Anniversary ng ordination ni Rev. Fr. Bong Guerrero bilang pari.


GAWAD-PARANGAL SA INA NG TAON
Mothers' Day 1999, Saint Joseph de Gagalangin Parish Main Altar

Isang maringal na awards night ang inihandog ng TA para sa mga natatanging ina sa Gagalangin sa okasyon ng Mothers Day tampok ang madamdaming mga video footages at mtv tungkol sa mga awardees. Sa pagtataguyod ng San Jose de Gagalangin Parish Pastoral Council.


JUNE AT JOHNNY AT ANG BAGONG DATING
October 1999, St. Joseph High School Auditorium

Ang pinakamatagumpay na production ng TA artistically, technically at box office wise. Ang June at Johnny ay kuwento ng dalawang teenager na napasabak sa maagang pag-aasawa, resulta ng kanilang pag-e-eksperimento sa buhay. Modern day Romeo and Juliet. Ang Bagong Dating naman ay ang katuparan ng pangako ng Panginoon kay Dimas.