HISTORY

SIMULA SA UMPISA

Tanghalang Anluwage, Incorporated. Eh ano ngayon? Anluwage-karpintero, trabaho ni St. Joseph noon. Eh ano nga ngayon? Bakit lagi na lang kaming pinag-iinitan samantalang all we’ve wanted is to glorify God through the talent He has given us? Kasalanan ba namin kung pagpalain Niya kami ng maraming-maraming ideas? Natural lang ‘to sa kabataan ‘di ba?

Panay pa rin ang flash back sa utak ko kung paano kami nagsimula.

Dumating sa point na ang mga youth ng St. Joseph Parish Gagalangin ay naging stagnant. Matamlay. Mga late 80's at early 90's iyon. May ilang mga group ang naging busy ngunit confined lamang sila sa kanilang organisasyon. Ganoon lang.

Until may naglakas ng loob na nagtanong: hindi ba dapat ay may mahalagang role na ginagampanan ang mga kabataan sa pag-usad ng parokya maliban sa Physical Arrangement at Food Committee lamang ? Kami ‘yung nagtanong. Apat kaming kabataan from different youth groups.



Question which was hard to ignore. Kaya nga kaming apat ay nanalangin at nagsuri. Nakiramdam. Maraming talentadong kabataan ang Gagalangin subalit hindi nabibigyan ng tamang outlet. Lagi na lang Physical Arrangement at Food Committee ang nakukuhang assignment. So, nag-untugan kaming apat upang makaisip ng tamang venue upang hamunin ang galing at lakas ng mga kabataan. We came up with the ideas of a parish-based theater group and a parish newsletter. Hmmm, fresh ‘di ba?

At ipinanganak nga ang Tanghalang Anluwage at Ang Pahayagang Anluwage taglay ang mission impossible nito na bulabugin ang mga Parish Youth at saka pagkaisahin upang maging isang buhay na puwersa. Hayaang mapagyaman at magamit ang kaloob na talino at galing upang luwalhatiin ang Panginoon at paglingkuran ang Kanyang bayan. Wow but true!




October 6, 1991 A.D., sabay ngang inilunsad ng noo’y Parish Priest na si Rev. Fr. Mario D. Enriquez ang Tanghalang Anluwage at Ang Pahayagang Anluwage , binuo at hinubog ng mga kabataan ng Gagalangin. Naks! Actually, nanghiram lang kami ng mga members mula sa iba’t ibang youth groups ng parokya. Later on, nakalimutan na naming isoli.

PINEAPPLE JUICE TECHNOLOGY

Subalit hindi naging ganoon kadali ang lahat. Matindi ang pinagdaanan naming survival course. Walang-wala kami. As in talagang nag-umpisa sa scratch.

Fr. Mar conducted the acid test for the group through Gospel Interpretation sa apat na magkakasunod na Sundays ng September 1991. Sa mga Masses niya na 7:30AM, 8:30AM at 4:00PM nagkaroon ng 5 minutes skit based sa message ng Gospel ng respective Sundays.

Halos sumuka kami ng barko that time kase first time iyon. Tapos hindi pa conducive ang venue. Hello! Simbahan po iyon,! Ang laki-laki at ang taas-taas ng kisame, at ang iiksi pa ng wire ng mga clip mic. Pero ok lang. Pasado naman with flying colors. Take note, sariling script namin iyon.

Nakapanghihilabot na pangangati at lansa naman ang bumalot sa amin sa pre-production ng launching vehicle namin, ang "Isang Dosena, Ang Simula." Ikaw ba naman ang kumain ng sardinas gabi-gabi during rehearsals. May Tortang Sardinas, Ginisang Sardinas, Sardinas fresh from the lata at kung anu-ano pang pwedeng paraan sa pagkain ng sardinas ginawa namin, kase nga walang budget. Umasa lang kase kami sa mga donated by.

Idagdag pa natin ang pagtatalak ng kanya-kanyang mga nanay namin araw-araw. Umaga pa lang kase nasa Simbahan na kami at umaga na rin kung kami umuwi. Mayroon nga hindi na kilala ng kanilang aso.

Nevertheless, sa paghihirap nasusubok ang kinang ng isang grupo. Very proud kami sa state of the art PINEAPPLE JUICE TECHNOLOGY namin. Inspired sa isang kasabihang-pinoy na "Habang maiksi ang kumot, matutong mangulekta ng mga malalaking basyong lata ng Del Monte at saka pinturahan ng itim at lagyan ng ilaw." Voila! May spot light na kami..

Wag ismolin, maraming humanga sa mga ilaw na iyon.

NAGING INSTANT MULTI-MEDIA

Sa mga karanasang ganito naging astig ang grupo. Nakilala kaming front-runner sa mga bagong ideas. Allergic ang ilang elders dito. Naging tabla rin ang mga mukha namin sa pagkatok sa mga tindahan sa buong Gagalangin upang mag-solicit ng mga advertisements para sa Ang Pahayagang Anluwage, gayundin sa mga projects ng Tanghalan.

Masarap na mahirap. May isa nga kaming kasamahan na nahulog pa sa kanal sa harapan ng Mendoza Bakery habang nagsu-solicit.

In a short period of time, the group was able to re-invent itself from just being a theater group and a newsletter to a multi-media icon of the parish. ( Translation: UTUSAN NG BAYAN ) Bininyagan itong ANLUWAGE COMMUNICATIONS. Nagkasunod-sunod na nga kasi ang mga projects namin: birthday tribute kay Fr. Mar, video documentary ng first visit ng Our Lady of Manaoag, ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), ang Pro-Life campaigns, Mass Wedding, Mother of the Year and Family of the Year, Bible Outreach Program, Youth Council, Music Ministry, mga raffle draws. Plus, siyempre may sarili rin kaming mga proyektong play for Tanghalan. Super-pasasalamat din kami kasi patuloy sa pagtaas ang readership ng Ang Pahayagan, na naging bukambibig na ng mga parishioners.

WORLD WARD III

Halos lahat na yata ng aspeto ng parokya ay "napakialaman ng grupo" lalo na ng maupo si Rev. Fr. Alfredo "Bong" Guerrero, na ikinairita ng ilang elders. Hindi nagustuhan ng ilan ang sobrang pagiging aktibo ng "mga anluwage" pati na rin ang editorial policies ng Ang Pahayagan. Pinipitik kasi namin ang dapat pitikin eh. Hindi nila maintindihan na nature na ng mga kabataan ang maging idealistic.

Sa pagsisikap ng ilang ligaw na sektor, nagkaroon ng lamat ang pagtitiwala ni Fr. Bong sa aming grupo na nauwi sa matinding hindi pagkakaunawaan. Noong 1993 nagdesisyon ang board ng Anluwage Communications na pansamantalang kaming magpahinga at magnilay upang mapag-aralan na rin ang kung ano ang mensahe ng Panginoon. Hindi rin naman ito nagtagal dahil na rin sa mga taong naniniwala sa simulain ng samahan. Papangalanan ko na: Bro. Rody Segovia, Bro. Totoy Manlises at Bro. Jhun Concepcion. Sila ang gumawa ng paraan upang muling mag-ugnay ang tulay ng samahan at ni Fr. Bong.

THE REST ARE HISTORY

Muli nga kaming nakabalik. Nagningning again ang bituin ng Anluwage sa pagbabalik ng tiwala ni Fr. Bong. It sad nga lang that we had to sacrifice ANG PAHAYAGANG ANLUWAGE. For reasons of course. But this time ay naging maingat na ang grupo. We had to galvanize our position as St. Joseph Parish Gagalangin's Official Multi-media Group kaya we registered our name Tanghalang Anluwage, Incorporated sa Securities and Exchange Commission in 1995 bilang non-stock, non-profit organization. Bigat ‘di ba?

And we live happily ever after. No, hindi ganoon eh. Patuloy ang paglilingkod ng aming group pero patuloy pa rin ang mga trials. Dami pa rin intriga. Kasama yata talaga sa script iyon eh. Sabi nga ng Boss natin, “Kung gusto mong sumunod sa akin, pasanin mo ang iyong krus at sumunod sa Akin.”

Pero hindi katulad ng mga dulang itinatanghal namin na may katapusan, ang kasaysayan ng Tanghalang Anluwage ay uusad, yayabong at patuloy magniningning hanggat may mga kabataan. At siyempre, hanggang gusto ni Lord.